Namumurong magkaroon ng rollback sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas sa Biyernes.
Ayon kay Regasco President Arnel Ty, naglalaro sa P0.50 – P1.00 ang tapyas sa presyo ng kada kilo ng LPG sa susunod na buwan.
Paliwanag ni Regasco President Ty, ito’y dahil pababa ang international contract price ng LPG
Kaugnay nito, umaasa ang industry player na bababa pa ang contract price ng nabanggit na produkto. – sa panunulat ni Charles Laureta