Pinaplano ng Commission on Election (COMELEC) na palawigin ang voting hours para sa 2025 National at Local Election.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, balak ng komisyon pahabain ang voting hours kung saan gagawin ito mula 5 a.m. hanggang 7 p.m.
Giit ni Chairman Garcia, layon nito na magbigyan ng mahabang oras ang mga botante na magamit ang kanilang karapat na bumoto.
Dagdag pa dito, mabibigyan din nito ng sapat na oras na maipaliwanag sa mga botante ang bagong sistema ng mga bagong machine. – sa panunulat ni Katrina Gonzales