Patay ang isang government employee matapos pagbabarilin sa labas misno ng kanyang bahay Talisay City, Negros Occidental
Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Mike Lumawag, 44-anyos, kawani ng land tax division ng Talisay City Hall.
Ayon sa Talisay City Police Station, kakauwi lang ng biktima mula sa paaralan kung saan niya inihatid ang kanyang anak nang sumulpot ang hindi pa nakikilalang lalaki at pinagbabaril ito.
Nagawa pang tumakbo ng biktima patungo sa kusina ng kanyang bahay ngunit hinabol siya ng gunman at muling binaril.
Namatay si lumawag sa maraming tama ng bala.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang anim na mga basyo ng bala ng hindi kilalang baril.
Nagsagawa na ng backtracking ang awtoridad sa mga kalapit na establisyimento para tingnan kung nahagip ang suspek sa CCTV
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente.