Nakapagtala na ang Department of Health ng iba’t ibang health events sa bansa na may kinalaman sa El Niño Phenomenon gaya ng water contamination, food-borne at vector-borne illnesses.
Batay sa datos ng DOH, nasa 464 na kaso ng kontaminadong water sources ang naitala sa Cordillera Administrative Region, Regions 11 at Region 4-A.
Habang 59 na kaso ng Food-borne illnesses sa National Capital Region, Region 10, at BARMM o Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao
Nasa 137 naman ang mga kaso ng Vector-Borne Diseases, gaya ng dengue at chikungunya ang naitala sa Regions 10 at Region 4B.
Gayunman, tiniyak ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo na ang naturang bilang ng mga El Niño-Related Health Events ay hindi pa nakaka-alarma sa national scale. – sa panunulat ni Jeraline Doinog