Binigyan-diin ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), na tinatayang aabot na sa higit P100- M ang pagkalugi ng National Food Authority matapos magbenta ng 150,000 ng sako ng bigas sa halagang 25 kada kilo sa mga negosyante
Paliwanag ng sinag, bumili ng palay ang nfa mula sa mga lokal na magsasaka sa halagang P23 kada kilo at ibinenta sa mga negosyante ng P25 kada kilo kung saan gagastos pa ang ahensya ng P13- P14 na piso kada kilo para sa paggiling ng palay.
Giit ni SINAG Executive Director Jayson Cainglet, bagama’t hayag na sa publiko ang korupsyon sa NFA sa nangyaring ito, naging mas matapang ang mga opisyal ng nasabing ahensya sa mga ilegal na gawain.
Samantala, umaasa naman ang nabanggit na grupo ng mga magsasaka na mananagot ang lahat ng sangkot sa anomalya ng pagbebenta ng bigas. – sa panunulat ni Katrina Gonzales