Sumampa na sa 1.2- M na dayuhang turista ang bumisita sa bansa sa unang dalawang buwan ngayong 2024.
Mas mataas ito ng 22.89% kumpara sa naitala noong kaparehong panahon ng nakaraang taon.
Batay sa datos ng D.O.T., nanatili pa rin bilang ‘Top Source Market’ ng bansa ang South Korea kung saan mahigit 300,000 koreans na ang bumisita; sinundan naman ito ng Estados Unidos na nakapagtala ng halos 200,000 arrivals; china na may mahigit 80,000 arrivals; japan na may higit 70,000 at Canada na nakapagtala ng 50,000 arrival.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, indikasyon lamang ito na magiging masigla ang industriya ng turismo ng Pilipinas sa hinaharap.
Una nang sinabi ng Department of Tourism na target ng ahensya na makahikayat ng 7.7 million international visitors ngayong taon. – sa panunulat ni Maianne Dae Palma