Inaprubahan ng Board of Investments (BOI) ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 41 foreign-funded projects sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Para kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, mas palalakasin nito ang ekonomiya ng Pilipinas sa gitna ng pagbilis ng inflation.
Sa kasalukuyan, mayroong 148 foreign-funded projects ang pamahalaan. Apatnapu’t anim dito ang ginagawa na, habang 102 ang pending.
Nasa pre-implementation at planning activities na ang foreign investors sa pagpapatupad ng pending projects na nagkakahalaga ng $58 billion investment pledges.
Ayon kay Rep. Barbers, patuloy sila sa pag follow-up upang magbunga na ang naturang pledges. At kapag maipatupad na ang mga ito, mas maraming trabaho ang malilikha at mas sisigla ang ekonomiya.
Nagpasalamat naman ang mambabatas kay Pangulong Marcos sa lahat ng pagsisikap nito sa panghihikayat ng mas maraming foreign direct investments (FDIs). Nagpaabot din siya ng papuri kay House Speaker Martin Romualdez sa naging suporta nito.