Sa Pilipinas, sign ng pagbibinata ang circumcision o pagpapatuli. Sumasailalim ang mga batang lalaki mula 8 to 12 years old sa isang surgery kung saan tatanggalin ang kanilang balat sa ari na tinatawag na “foreskin.”
Pero alam mo bang mayroong kakaibang rite of passage ang isang tribo sa Brazil kung saan kailangang magpakagat sa langgam ang mga batang lalaki para maituring na binata? At hindi lang ito basta-basta langgam, kundi bullet ants na kilala sa taglay nitong kagat na itinuturing bilang pinakamasakit sa buong mundo.
Nagsisilbi bilang “test of bravery” para sa tribong Sateré-Mawé ang bullet ant ritual.
Kahit napakasakit ng kagat ng mga langgam, na inihahalintulad pa nga sa tama ng bala, ginagamit ito ng tribo sa kanilang seremonya sa pagbibinata.
Sa loob ng 10 minutes, kailangang magsuot ng isang pares ng gloves na may bullet ants habang sumasayaw ang mga batang lalaking may edad na 12 years old. Kailangan nila itong paulit-ulit na gawin hanggang sa maituring na sila bilang warrior.
Umaga pa lang, nanghuhuli na ng bullet ants ang ilang miyembro ng tribo sa kagubatan. Pinipili nila ang mga pinakamalaking langgam upang magamit sa ritwal.
Pinapatulog ang mga langgam gamit ang herbal liquor, saka isa-isang inilalagay sa bawat butas ng woven gloves.
Matapos ang ilang oras, papausukin ang mga langgam para gisingin ang mga ito. Dito na magsisimula ang ritwal.
Hindi pwedeng tanggalin ng mga bata ang kamay nila mula sa gloves. Hindi rin sila pwedeng umiyak dahil magiging invalid ang kanilang initiation.
Kapag makapasa, ituturing na sila bilang “adult” sa tribo.
Naniniwala ang Sateré-Mawé tribe na nagbibigay ng strength at immunity ang kagat ng bullet ant. Ayon sa kanilang pinuno, ipinapakita ng seremonyang ito na ang buhay na walang pagdurusa ay isang buhay na walang halaga.