Dikit ang naging laban sa pagitan Taguig City Generals at Cam Sur Express, sa game 2 ng best-of-five series ng NBL Chairman’s Cup finals.
Matatandaan na target ng Taguig na ma-two-zero ang Cam Sur, but of course hindi nagpatalo ang Cam Sur at gusto ring makuha ang panalo.
Natapos ang regulation na may final score na 91 to 85.
Sa una pa lamang, mayroon na kaagad high percentage shooting ang dalawang koponan, kung saan natapos nila ang first quarter na parehong may 31 points.
Pagdating ng 2nd quarter, mas humigpit ang depensa ng Express at sila’y nakakagawa ng good plays, kung saan nakuha pa nila ang lead sa halftime.
Sa 3rd quarter, umarangkada ang season mvp na si Mike Sampurna, pero palaging may sagot ang Cam Sur dito.
Last quarter, dito na nabago ang kapalaran ng Cam Sur at pumabor na ang laban sa Taguig ‘yan ay sa pamamagitan ng teamwork ng Generals, sa pangunguna ng duo na sina Mike “The Forest Hunter” Sampurna at ang “Junior Defense Minister” na si Lj mayo.
Magtutuos muli ang Cam Sur at Taguig para sa game 3, mamaya na yang ala sais trenta ng gabi!