Kinoronahan bilang mga kampeon, ang Taguig City Generals sa season 2023 ng NBL Chairman’s Cup!
It was a clean sweep para sa Taguig matapos nilang ma-three-zero ang Cam Sur Express. Natapos ang game 3 na may final score na 94 to 85.
Inaasahan na makakabawi ang Cam Sur, dahil sila ang mayroong home court advantage, matapos isagawa ang game 1 at game 2 sa court ng Taguig ngunit nagdikit man ang score, nabigong makahabol ang Cam Sur.
Sa 1st half, maganda kaagad ang tempo ng Generals at nagawa pa nilang magtanim ng malaking lead sa iskor na 56 to 36. ‘yan ay sa tulong ng secret weapons ng Taguig off the bench na sina Mark Ordoñez at Harvey Subrabas.
Ngunit pagdating ng 4th quarter, bahagyang nag-iba ang ihip ng hangin matapos mahabol ng Express ang 24-point lead ng Generals.
Pero hindi nagpabaya ang Taguig at hindi sinayang ang bawat possession.
Ito na ang ikaapat na championship ng Taguig City Generals sa National Basketball League, kung saan una silang nagkampeon noong 2019, season 2022 ng Chairman’s Cup at President’s Cup, at ngayong Chairman’s Cup season 2023.
Bukod pa riyan, gumawa rin sila ng kasaysayan dahil sila ang kauna-unahang team sa NBL na nagkaroon ng apat na kampeonato at back-to-back na pagkapanalo.