Nababahala si Health Secretary Ted Herbosa sa pagtaas ng kaso ng Tuberculosis sa Pilipinas.
Ayon sa kalihim, pumalo sa mahigit 612,000 ang mga bagong kaso ng ‘TB’ sa bansa noong nakaraang taon.
Nakapagtala aniya ang bansa ng 549 cases ng Tuberculosis sa kada 100,000 populasyon noong 2023, na mas mataas sa case notification rate na 439 cases per 100,000 population noong 2022.
Batay pa aniya sa datos mula sa Integrated Tuberculosis Information System, aabot sa 10,426 individuals na mayroong tuberculosis ang napaulat na nasawi.
Kaugnay nito, sinabi ni Sec. Herbosa na target nilang tuluyang matuldukan ang tuberculosis sa bansa sa taong 2030.
Gayunman, dahil aniya endemic ang naturang sakit sa Pilipinas, nais pagtuunang pansin ng kalihim na matukoy ang mga indibidwal na may ‘tb’ at mabigyan ang mga ito ng lunas.