Nananatiling mataas ang satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batay sa survey ng Social Weather Stations sa pinakahuling kwarter ng taong 2023, 65% ng mga Pilipino ang nasisiyahan o buo pa rin ang tiwala kay PBBM, habang 18% naman ang hindi kontento, samatalang 17% naman ang undecided.
Kumpara noong September 2023, tumaas ang net satisfaction rating ni Pres. Marcos sa lahat ng mga lugar, maliban sa Mindanao.
Sa pinakahuling survey, naitala ang pinakamataas na rating ng pangulo sa Luzon na nasa plus 52, sinundan ng Visayas na plus 51, Metro Manila na plus 44, at pinakamababa naman sa Mindanao na plus 38.
Paliwanag ng SWS na kapansin-pansin ang pagtaas ng net satisfaction rating ni Pangulong Marcos sa rural areas habang bahagya namang sumadsad sa urban areas.
Sa kasalukuyan, ipinupursige ni PBBM ang mas malakas na ugnayan sa Estados Unidos at iba pang mga katabing bansa habang umiinit ang tensyon sa pinag-aagawang teritoryo. – sa panunulat ni Jeraline Doinog