Masaklap ang sinapit ng isang backhoe operator makaraang magulungan at madaganan ng malaking tipak ng bato sanhi ng kanyang agarang kamatayan sa isang quarry site sa Tuy, Batangas.
Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Bebon Caliso, 34-anyos
Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng mga pulis, nasa loob ng backhoe habang nananghalian ang biktima sa naturang lugar nang biglang gumulong ang malaking tipak ng bato mula sa itaas ng quarry site at natumbok ang backhoe.
Patuloy naman ang imbestigahan sa naturang insidente kung nagkaroon ng pagkukulang sa “safety measures” Ang nagmamay ari ng quarry at kung may kaukulan itong dokumento.