Tatlong batang Philippine Serpent Eagles ang matagumpay na nasagip mula sa sunog sa isang kagubatan sa Villaverde, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Ayon sa rescuer na si Dave Acosta, nahulog ang isang agila mula sa puno. Ito ang naging dahilan upang matuklasan ang dalawa pang ibon.
Pinakain ito ni Acosta sa loob ng tatlong araw at sa kalaunan, ibinigay sa Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Nueva Vizcaya Satellite Office.
Idinala ang mga agila sa Provincial Veterinary Office para sa examination at diagnosis.
Pansamantalang aalagaan ng Northern Exotics and Wildlife Troopers ang mga agila, hanggang sa magkaroon ang mga ito ng sariling kakayahan na lumipad at mabuhay sa kagubatan.