Kinumpirma ng Department of Agriculture Regional Field Office 8 na mayroon nang naitalang unang kaso ng avian influenza o bird flu sa Eastern Visayas.
Ayon kay DA-8 Regional Director Andrew Orais, posibleng kumalat ang virus dahil sa migratory birds.
Noong nakaraang buwan, napansin ng ilang magsasaka na namamaga ang ulo at nahihirapang huminga ang kanilang mga manok, kasabay ng pagkakaroon ng mga ito ng sipon.
Iniulat ito sa lokal na pamahalaan ng Kanaga at nagsagawa ng rapid tests. Dito na lumabas ang positibong resulta ng bird flu.
Pagtitiyak ni Orais, kontrolado ang kondisyon ng virus sa lugar dahil nasa loob lamang ito ng farm.