Binawian ng buhay ang 3 manggagawa ng isang construction firm matapos na mahulog at ma-suffocate sa 14-meter-deep sewer manhole sa Quezon City.
Kinilala ng awtoridad, ang mga biktima na sina Arnel Dela Peña, Cedie Paligutan, 26- anyos, at Gabriel Constantino,
Nasawi ang mga biktima sa manhole sa ilalim ng flyover sa kahabaan ng katipunan avenue sa Barangay Loyola Heights
Ang mga biktima at kanilang superbisor ay ipinadala upang magsagawa ng infiltration at exfiltration test sa bagong gawang manhole.
Si Dela Peña ang unang bumaba ngunit siya ay bumagsak sa landing platform.
Sa halip na tumawag ng mga rescuer mula sa Bureau of Fire Protection at lokal na pamahalaan, inatasan ng supervisor sina paligutan at constantino na iligtas si Dela Peña, ngunit bumagsak din ang mga ito.
Mabilis namang naisugod ang mga biktima ngunit ideneklara na itong dead on arrival sa ospital
Patuloy namang iniimbestigahan na ng awtoridad insedente.