Tumaas ang mga binayarang utang ng Pilipinas nitong Enero.
Sa datos ng Bureau of the Treasury, umabot sa P158. 9 B ang Debt Servicing Expenses ng pamahalaan.
Mas mataas ito ng 232% , kumpara sa P47.83- B na naitala noong nakaraang taon.
Paliwanag ng BOT, ito’y sa gitna ng mataas na pagbabayad ng pamahalaan sa amortization at interest kung saan umabot sa
P 74. 2 – B ang nabayarang interest ng gobyerno, kumpara sa P 47 B na naitala kaparehong panahon noong 2023.
Habang nakapagbayad naman ng P 84.7 – B na amortization ang pamahalaan, kumpara sa naitalang P 861, 000, 000 noong nakaraang taon. – sa panunulat ni Charles Laureta