Mas mababang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang sumalubong sa mga consumer ngayong buwan.
Ayon sa Petron Corp., P1.00 ang tapyas sa kada kilo ng kanilang LPG, na epektibo na simula kahapon.
Ang nasabing price adjustment ay bunsod ng pagbaba ng International Contract Price nito para sa buwan ng abril.
Batay sa datos ng Department of Energy, naglalaro sa P830 – P 1,068 ang presyo ng 11-kilogram na LPG cylinders sa Metro Manila noong nakalipas na buwan.