Binawian ang buhay ang isang ginang habang nasugatan ang anak nito matapos pagsasaksakin ng lasing na kapitbahay sa San Andres, Quezon
Kinilala ang nasawing biktima na si Leonor Beñegas habang nilalapatan ng lunas dahil sa tinamong mga saksak sa katawan ang anak nitong si Rosalie
Base sa imbestigasyon ng awtoridad, nasa loob ng kanilang bahay ang mag-ina nang pumasok ang lasing na suspek na armado ng gulok at walang sabi-sabing pinagsasaksak si Leonor.
Nang makita ni Rosalie ang ginawa ng suspek sa kanyang ina ay sinubukan nitong tumulong subalit maging siya ay inundayan ng sunud-sunod na saksak at mabilis na tumakas.
Tinutugis na at nahaharap sa reklamong murder at frustrated murder ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Garry