Paiimbestigahan sa senado ni Senator Bongbong Marcos ang itinapong daan-daang mga sako ng bigas sa Leyte.
Ito ay kung hindi mabibigyang linaw ng gobyerno ang naturang pagtatapon ng mga bigas na hinihinalang kabilang sa mga ipinamigay na relief goods.
Ayon kay Marcos, kailangan na maimbestigasyon itong mabuti upang makumpirma kung ano ang totoo.
Aniya, masama ang magtapon ng bigas lalong masama kung ito ay para mga sinalanta ng bagyong Yolanda.
By Rianne Briones | Cely Bueno (Patrol 19)