84 katao na ang namatay dahil sa rabies mula January 1 – March 16 ngayong taon.
Ayon kay Health Undersecretary Enrique Tayag, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Agriculture kaugnay sa mga naitalang kaso ng rabies sa Marinduque.
Una nang isinailalim sa State of Calamity ang mga bayan ng BOAC at Buenavista sa nasabing lalawigan dahil sa mataas na bilang ng kaso ng rabies.
Dahil dito, pinapayuhan ni Usec. Tayag ang publiko na hugasan agad ng sabon at malinis na tubig ang sugat kung nakagat ng mga hayop na may rabies.
Nabatid na nitong Lunes ay sinimulan na rin ng D.A. Ang vaccine drive sa mga hayop sa probinsya upang mapigilan ang pagkalat ng rabies infections. – sa panunulat ni Laica Cuevas