Nananatiling mataas ang presyo ng bigas sa unang bahagi ng taon, sa gitna ng epekto ng El Niño Phenomenon.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, umaabot sa P47 – P57 ang presyo ng kada kilo ng bigas.
Umaasa rin si Secretary Laurel na magsisimula nang bumaba ang presyo ng bigas sa pagtatapos ng Mayo.
Dagdag pa ng Department of Agriculture, nakapag-procure o mayroon nang buffer stock ang National Food Authority, at nagbibigay ang DA ng mga fertilizer at binhi ng mga pananim na hindi kinakailangan ng maraming tubig upang matulungan ang mga magsasakang apektado ng El Niño. – sa panunulat ni Charles Laureta