Naglagak na ng piyansa si dating Metro Rail Transit (MRT) General Manager Al Vitangcol para sa dalawang kasong graft at paglabag sa Procurement Law sa Sandiganbayan.
Kaugnay ito sa umano’y pakikipagsabwatan ni Vitangcol sa ilang opisyal ng Philippine Trans Rail Management and Services Corporation upang makuha ang kontrata para sa maintenance ng MRT noong 2012.
Kinuhanan na rin ng charge information sheet si Vitangcol matapos na mag-proseso ang piyansa.
Una nang ini-raffle ang kaso laban kay Vitangcol at limang iba pa sa Third Division ng Sandiganbayan.
By Rianne Briones | Jill Resontoc (Patrol 7)