Mayorya ng mga Pilipino ang piniling huwag nang magpakasal at mag-anak dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.
Ito ay batay sa isinagawang pag-aaral ng Commission on Population and Development.
Ayon sa CPD, lumabas sa kanilang pag-aaral na nangangamba ang ilang mga Pilipino sa katatagan ng Ekonomiya ng Pilipinas.
Isa rin anya sa dahilan ay kakulangan sa pinansyal o kulang ang sinasahod o kita.
Dagdag pa ng ahensya, na maraming mag-asawa ang nagdesisyon na huwag ng magkaroon ng anak sa gitna ng kinakaharap na krisis sa kalusugan.
Una na ring ibinunyag ng Civil Registration and Vital Statistics ng Philippine Statistics Authority na bumaba ang bilang ng mga nagpaparehistro ng kapanganakan noong 2019.