Nakatanggap ng P100,000 cash gift ang isang 100-year-old na lola mula sa lokal na pamahalaan ng Quezon.
Kinilala ang centenarian na si Isabel Lagata mula sa Brgy. Binahaan, Pagbilao.
Ipinanganak si Lagata noong Pasko, December 25, 1923, sa Sorsogon at mayroong higit-kumulang 60 na apo.
Ayon sa kanyang kapatid, pagkain ng gulay at pag-inom ng gatas ang sikreto ni Lagata sa pagkakaroon ng mahabang buhay.
Ipinagkaloob ang cash gift sa bisa ng Republic Act No. 10868 o Centenarian Act of 2016.