Muling tiniyak Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na mayroon pa ring dadaloy na tubig sa mga kabahayan.
Ito’y sa kabila ng inanunsyong pagbabawas ng pressure ng tubig tuwing 10 pm – 4am bunsod ng patuloy na pagsadsad ng lebel ng tubig sa Angat Dam.
Sa panayam ng DWIZ, ipinaliwanag ni Engineer Patrick Dizon, Division Manager ng M.W.S.S. na ang naturang hakbang ay inisyatiba ng kumpanya upang mabawasan ang non-revenue water o ang tubig na natatapon at hindi nagagamit.
Samantala, pinaalalahanan din ni Engr. Dizon ang mga consumer na huwag gawing rason ang matinding init ng panahon para magsayang ng tubig.
Kung maari aniya ay hugasan agad ang mga pinggan na pinagkainan upang hindi matuyo ang mga tirang pagkain nang sa gayon ay kaunting tubig lamang ang magamit. – sa panunulat ni Maianne Dae Palma.