Good news sa mga commuter!
May libreng sakay ngayong araw sa Manila Metro Rail Transit System Line 3 o MRT-3 at Light Rail Transit Line 2 o LRT-2.
Ito’y bilang pakikiisa sa Pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan.
Sa abiso ng pamunuan ng MRT-3 at LRT-2, libreng makakasakay ang mga pasahero mula 7AM – 9AM at mula 5PM- 7PM.
Samantala, libre pa ring makakasakay sa naturang mga linya ng tren ang mga military veteran hanggang April 11, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Philippine Veterans Week.