Hindi nakikita ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang pangangailangang magdeklara ng National State of Calamity sa buong bansa dulot ng El Niño Phenomenon.
Paliwanag ng pangulo, bagama’t lahat ng lugar sa bansa ay maaapektuhan ng tagtuyot, iba-iba naman ang lebel ng pinsala o epekto na iniiwan ng el niño sa bawat lugar sa Pilipinas.
Aniya, may mga kaparehong deklarasyon ang ilang lokal na pamahalaan at hindi nakikita pa kailangang itaas ito sa National Level.
Giit pa ng pangulo na may mga interbensyon na ring ginagawa ang pamahalaan tulad ng pagpapalawak ng mga irigasyon at iba pa. – mula sa ulat ni Gilbert Perdez at sa panunulat ni Jeraline Doinog