Bibigyan ng reward ni Dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson ng P100,000 sa traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na humuli sa kaniyang convoy dahil sa paggamit ng EDSA Busway.
Sinabi nito na humihingi siya ng paumanhin sa MMDA sa nangyari at inamin nito na nagkamali ang kaniyang convoy sa pagdaan sa bus lane sa kahabaan ng EDSA- Cubao.
Pinapahanap na niya umano ang mga traffic enforcers para ibigay ang pabuya para lalong ma-enganyo silang manghuli.
Natikitan ang dalawang drivers ng convoy nito dahil sa bus lane violations at pinagmulta ng P5,000 – sa panunulat ni Raiza Dadia