Naospital ang mahigit 10 indibidwal matapos umanong kumain ng halo-halo mula sa isang tindahan sa Kidapawan City.
Batay sa report, nakaranas ng pananakit ng tiyan at pagsusuka ang mga biktima, kung saan kabilang sa mga ito ang isang 3 – taong gulang na bata.
Kaugnay nito, pansamantalang ipinasara ang nasabing tindahan habang hinihintay ang resulta ng test mula sa sample ng halo-halo.
Nagbigay naman ng ayuda ang may-ari ng tindahan sa mga biktima.