Tatlo katao ang nasangkot sa aksidente sa kalsada matapos sumalpok sa poste ng kuryente ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Candaba, Pampanga.
Nasapol pa sa CCTV sa lugar ang trahediya na nangyari sa Barangay Talang
Sa CCTV footage, may nag-spark sa humaharurot na motorsiklo na sinasakyan ng 3 nang dumaan sa pakurbang bahagi ng kalsada.
Nagdire-diretso ang motorsiklo at sumalpok sa poste.
Dahil sa impact, nasawi ang rider at isa niyang angkas.
Mapalad namang nakaligtas at nagtamo sugat ng isa pang sakay ng motorsiklo.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nakainom ang mga sakay ng motorsiklo.
Nabatid din na walang suot na helmet ang mga biktima nang mangyari ang insedente