Bumaba pa ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa nitong Pebrero.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), sumadsad sa 3.5 % ang unemployment rate ng bansa nitong Pebrero, o katumbas ng 1.80 milyong Pilipino.
Mas mababa ito sa 4.5 % na naitalang unemployment rate noong Enero o katumbas ng 2.15 milyong mga Pilipino at nasa 4.8 percent noong February 2023 o katumbas ng 2.47 milyong pilipino.
Kasunod nito, iniulat din ng psa ang pagtaas ng bilang ng mga nagka-trabaho na nasa 96.5 % nitong Pebrero o katumbas ng 48.95 milyong mga Pilipino.
Mas mataas ito kumpara sa naitalang 95.5 percent noong January 2024 o katumbas ng 45.9 milyong Pilipino at 95.2% noong February 2023 o katumbas ng 48.80 milyong Pilipino.