Happily married kung ilarawan ni Nellie, isang babae mula sa Tanzania, ang kanyang buhay may-asawa.
Ngunit imbes na isa, tatlo ang asawa ni Nellie—sina Jimmy, Danny, at Hassan.
Binawian ng buhay sa isang car accident ang unang asawa ni Nellie. Nang mangyari ito, napalapit siya sa kanyang brother-in-law na si Hassan na naging kasama ng mag-asawa noon sa iisang bubong.
Ayon kay Nellie, ipinakita ng kanyang bayaw kung ano ang pagmamahal, kaya naman nahulog ang loob niya rito.
Ngunit hindi rito natapos ang love story ni Nellie dahil sa kalaunan, nahulog din ang loob niya sa dalawa pang lalaki!
Isang car dealer si Nellie na nagtutustos ng kanyang mga asawa na kasalukuyang walang trabaho. Sa katunayan, binilhan niya pa ng tig-iisang kotse ang mga lalaki!
Positibo naman ang babae na hindi magloloko ang mga asawa niya dahil aniya, masaya sila at itinatrato niya ang mga ito nang patas.
Magkakasamang naninirahan sina Nellie at ang tatlong lalaki sa iisang bahay. Naging mag-best friends pa sila dahil dito.
Mahirap isipin kung paano nagkakasundo ang tatlong asawa ni Nellie, pero ayon sa kanila, respeto ang dahilan kung bakit mapayapa ang kanilang pamumuhay.