PINAYUHAN ni dating Sen. Leila de Lima si Vice President Sara Duterte na magbitiw na lang sa kanyang puwesto bilang Department of Education (DepEd) secretary at sumali sa kanyang pamilya sa pagbatikos kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. o kondenahin ang anti-administration rallies kung nais nitong manatili bilang miyembro ng gabinete.
Ginawa ni de Lima ang pahayag matapos ang sunod-sunod na panawagan kay VP Sara na mag-resign bilang kalihim ng DepEd matapos itong batikusin ni First Lady Liza Araneta-Marcos.
Para kay de Lima, tila namamangka sa dalawang ilog ang pangalawang pangulo.
Malinaw din aniya na ang loyalty ni VP Sara ay nasa kanyang pamilya na tahasang nambabatikos kay PBBM at kabilang sa mga sinasabing nananawagan para maalis sa puwesto ang punong ehekutibo. (GP)