Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang pagpapaluwag sa importation process ng agriproducts bilang tugon sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ito’y sa gitna ng mga limitasyon na nagpapataas sa importation cost at naglilimita sa suplay ng mga farm goods.
Ipinag utos din ng chief executive ang mas mabilis na pagproseso ng mga agricultural imports sa bureau of customs.
Kaugnay nito, bumuo na ang pangulo ng surveillance team upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng nasabing kautusan. – sa panunulat ni Raiza Dadia