Tinitingnan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mas maikling listahan ng mga party-list group na lalahok sa may 2025 elections.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, nais ng Comelec na bawasan ang bilang ng mga grupong tatakbo sa party-list system sa 130, simula sa halalan sa susunod na taon.
Giit ni Chairman Garcia, maglalagay ang comelec ng mahigpit na panuntunan sa accreditation ng mga bagong party-list group upang mabawasan ang bilang ng mga kalahok at matiyak na pinaka-kuwalipikadong grupo lamang ang maaaring tumakbo
Samantala, sa kabuuang bilang ng mga aplikante, 17 pa lamang ang na-accredit ng nasabing komisyon.