Hindi nakakaapekto ang El Niño Phenomenon sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Batay ito sa monitoring Department of Trade and Industry, kaya’t walang dahilan para magtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na’t sapat ang suplay ng Agricultural Products
Ayon kay DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, hindi pwedeng itaas ang presyo, dahil umiiral ang State of Calamity sa ilang lugar sa bansa.
Samantala, pinapayagan namang itaas ang presyo ng mga manufactured products partikular na ang mga delata
Hindi muna maglalabas ng announcement ang DTI para sa bagong Suggested Retail Price (SRP) hinggil sa price increase. – sa panunulat ni Jeraline Doinog