Dead on the spot ang isang pulis sa Sagay, Negros Occidental, matapos barilin ng kaniyang sariling anak
Ayon awtoridad, nagtatalo ang pulis at kanyang live-in partner sa harap ng kanilang mga anak nang kunin ng bata ang baril ng ama at nagpaputok ng baril.
Ang pulis ay isang 44- anyos na Police Staff Sergeant, at miyembro ng Sagay City Police Station.
Sa ngayon ang bata ay nasa kustodiya ng Women and Children Protection Desk habang patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulis.