Makakaasa ang mga mamamahayag na magkakaroon na ng isang malaya at ligtas na komunidad sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginanap na 50th anniversary ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP).
Ayon kay Pangulong Marcos, bilang lider ng bansa, papel niyang protektahan ang press freedom at hindi pangunahan ang pagsira o pagmamaliit sa practitioners nito.
Sa pamamagitan ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS), nais din ng pangulo na bigyan ng hustisya ang mga mamamahayag na pinatay habang ginagampanan ang kanilang tungkulin para sa bansa at sa mga Pilipino.
Pangako ni Pangulong Marcos, matatag ang kanyang administrasyon sa pagsusulong sa kapakanan ng mga Pilipino at sa pagkakaroon ng isang tunay na malaya at ligtas na bansa para sa lahat ng mamamahayag.