Mabilis na kumalat sa social media ang isang kontrobersyal na video kung saan mapapanood ang isang lalaking nagkakalat sa isang kainan.
Tila sinasadya niya ito dahil nakangiti at tumatawa pa siya habang itinatapon ang sauce at tubig sa mesa.
Ang ilan sa kanyang mga kasamahan, mistulang nanghihikayat pa sa hindi wastong pag-aasal.
Gaya ng inaasahan, dinagsa ang video ng mga pambabatikos mula sa mga netizen.
Marami ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa pag-uugaling ipinakita ng lalaki sa viral video.
Ang iba, tinawag na “dugyot” at “hindi sibilisado” ang lalaki.
Hindi rin nakatakas sa pambabatikos ang mga kaibigan niya na tinawag ng mga netizen na “sulsol.”
Dahil sa video, pinuna ng karamihan ang ugali ng kabataan ngayon.
Samantala, binigyang-diin naman ng ibang netizen ang pagtuturo ng CLAYGO o “Clean as You Go” principle sa customers.
Hindi pa matukoy kung bakit ginawa ng lalaki sa video ang hindi kanais-nais nitong kilos; ngunit kung para lang ito sa pagpapasikat katulad ng hinala ng karamihan, dapat na itong itigil dahil nakakaperwisyo lamang ito sa mga empleyado rito na nagsisikap na magtrabaho at mabuhay nang patas.