Sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), patuloy ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamahagi ng tulong para sa mga kababayan nating apektado ng pagsabog ng Mt. Kanlaon sa Negros Island.
Ayon kay Pangulong Marcos, tuloy-tuloy ang DSWD, National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa masusing pagsubaybay at pagbibigay ng suporta.
Nagsimula nang mamahagi ang DSWD ng family food packs at serbisyo sa evacuation centers.
Mayroon na ring naipadalang Mobile Command Center sa mga lalawigan ng Negros Oriental at Negros Occidental para sa mas maayos na disaster response.
Panawagan ni Pangulong Marcos sa mga nakatira malapit sa lugar, iwasan ang 4 km radius permanent danger zone at sumunod sa mga payo at tagubilin ng mga lokal na awtoridad.