Tumaas ang inflation rate sa bansa ng 1.1 percent noong nakaraang buwan.
Ayon sa bangko sentral ng pilipinas o bsp, mas mataas ito sa naitalang 0.4 percent noong oktubre na dulot pa rin ng weather-related disruptions o masamang panahon.
Sinasabing bumaba ang produksiyon at transportasyon ng iba’t ibang produkto bunsod ng epekto mula sa sunud-sunod na pagbagyo o kalamidad.
Ito umano ang naging dahilan upang tumaas naman ang presyo ng mga gulay, prutas, karne, at isda.
By Jelbert Perdez