Muling ikinasa ng SM Group ang Operation Tulong Express (OPTE) upang magpaabot ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Tondo, Maynila.
Sa pagkakaisa ng SM Foundation at SM Supermalls, mahigit 90 Kalinga Packs na naglalaman ng essential items ang naibagahi ng employee-volunteers mula sa SM City San Lazaro.
Ang OPTE ay isang social good program ng SM Foundation, sa pakikipagtulungan ng SM Supermalls at SM Markets. Layon nitong maghatid ng agarang tulong sa panahon ng mga sakuna at krisis. Sa kasalukuyan, ang programa ay nakapagpamahagi na ng mahigit 800,000 Kalinga Packs sa iba’t ibang parte ng bansa.