Inanunsyo ni First Lady Liza Araneta-Marcos na nakatakda nang buksan sa lalong madaling panahon ang isang presidential museum sa Baguio Mansion House.
Sa pasilip sa website na museums.gov.ph, makikita sa Malacañang Heritage Museum ang pitong galleries na nagtatampok sa artifacts at historical timelines ng mga naging presidente ng Pilipinas, kabilang na ang kasalukuyang pinuno ng bansa na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bukod sa galleries, magkakaroon din ng souvenir shop para sa mga lokal at dayuhang turista ang Malacañang Heritage Museum.
Pagbibigay-diin ng Unang Ginang, layon ng naturang museo na hikayatin ang bagong henerasyon ng mga Pilipino na mahalin ang kanilang bansa.
Itinayo noong 1908 ang The Mansion na matatagpuan sa kahabaan ng Romulo Drive sa Baguio City.
Nauna itong nagsilbi bilang summer residence para sa American governors-general bago ang World War II. Sa kasalukuyan, nagsisilbi itong official summer residence ng pangulo.