Muling binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang malalim na kahalagahan ng Career Executive Service (CES) sa kanyang administrasyon.
Sa Gawad CES Awarding at panunumpa ng bagong CES officers, ibinahagi ni Pangulong Marcos ang kanilang papel sa pagsusulong ng epektibong burukrasya at pagpapatuloy sa mga programa ng pamahalaan.
Sa nasabing pagdiriwang, kinilala rin ni Pangulong Marcos ang CES awardees para sa kanilang dedikasyon sa serbisyo publiko. Hinikayat din niya ang CES officers na patuloy na maging matapat at epektibo sa pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin.
Samantala, ipinagmalaki ng pangulo ang pagtaas ng CES occupancy rate sa 50% mula sa 44% noong mga nakaraang taon, alinsunod sa layunin ng administrasyon sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028.