Inilunsad ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mas maraming housing projects sa Mindanao sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Alinsunod ito sa layunin ni Pangulong Marcos na ipatupad ang 4PH program sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, sinimulan na ang pagpapatayo ng dalawang housing projects sa Zamboanga City at Surigao del Norte.
Pagbabahagi ni Sec. Acuzar, mahigpit ang utos ni Pangulong Marcos na tutukan ang implementasyon ng 4PH program para sa mga mahihirap na Pilipino.
Matatandaang kamakailan lamang, inatasan din ni Pangulong Marcos ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na i-adjust ang anim na milyong target na housing units sa nasabing programa upang matiyak na magiging matagumpay at sustainable ito.