Kinaaaliwan ng mga netizen ang kwento tungkol sa isang lalaki na nag-resign sa kanyang trabaho bilang service crew.
Ang dahilan? Wala na raw siyang oras sa kanyang jowa!
Ayon sa ulat, laging inaaya ang lalaki ng kanyang girlfriend na makipag-date sa kanya tuwing Biyernes at Sabado. Ngunit dahil may pasok siya sa mga araw na iyon, hindi niya napagbibigyan ang request ng kanyang jowa.
Sinabihan siya ng kanyang girlfriend na puro na lamang dahilan. May pasok kasi ang lalaki mula Lunes hanggang Sabado, at tuwing Linggo naman, hindi pa rin sila makalabas dahil kailangan niyang maglaba, magsimba, at magpahinga.
Dahil ayaw ng lalaki na hiwalayan siya ng kanyang jowa, napagdesisyunan niya na lamang umalis na sa kanyang trabaho.
Hiling niya sa kanyang boss, sana maintindihan nito ang kanyang desisyon.
Sari-sari naman ang reaksyon ng mga netizen na karamihan ay natawa sa pangyayari.
Komento ng isang netizen, may oras na nga silang mag-date, pero wala naman na silang panggastos sa date.
Biro pa ng isa, “Sana all kayang i-give up ang pera para sa jowa.”
Seryoso naman ang ilang netizen at sinabihan ang lalaki na dapat huwag pabayaan ang trabaho dahil mahirap mawalan nito sa panahon ngayon. Payo ng iba, time management lamang ang kailangan.