Patay ang isang 57-anyos na lalaki matapos aksidenteng mabangga ng isang van sa Candon City sa Ilocos Sur.
Ayon sa awtoridad, bumibiyahe patungong hilagang direksyon sa national highway sa naturang lugar ang van.
Pagsapit nito sa pinangyarihan ng insidente ay biglang tumawid ang biktima kaya nabangga ito ng sasakyan.
Sa tindi ng impak, ang biktima ay nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan na agad na dinala sa ospital.
Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng doktor.
Hindi naman nasaktan ang driver ng van at ang mga siyam na pasahero nito.