Hindi na naisalba pa ng doktor ang isang kalamay vendor matapos magtamo ng malalang pinsala makaraang sumadsad ang minamaneho nitong motorsiklo sa barikada ng ginagawang drainage sa Candon City, Ilocos Sur.
Ayon sa awtoridad, minamaneho ng biktima ang kaniyang motor patungong hilagang direksyon nang biglang mawalan ito ng kontrol sa manibela ng sasakyan.
Dahil dito, sumemplang ang motor at saka sumadsad sa naturang barikada.
Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na kaagad namang isinugod sa ospital.
Gayunman, idineklara nang dead on arrival ang biktima ng mga sumuring doktor.