Isang saksak sa likod ang tinamo ng isang 16-anyos na estudyante mula sa kainuman nitong kapwa estudyante rin makaraang magkapikunan habang nag-iinuman sa Tanza, Cavite.
Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Rainyl Hatol.
Habang naaresto naman ang suspek at nahaharap sa kasong frustrated homicide na kinilala sa alyas Carl, 18-anyos
Sa imbestigasyon ng pulisya, kapwa na lasing ang biktima at suspek nang magkaroon ng pagtatalo.
Sa gitna ng pagtatalo ay nakakuha ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima sa likod.
Agad itong naitakbo sa pagamutan habang naaresto rin ang suspek sa tulong ng mga Barangay Official ng nasabing lugar.